Got this from our e-group. I wrote back to the one who shared: This is so up-front. May I post it in my blog? My husband's co-teacher is leaving for the US soon, while a few of those who left have come back. Only this morning Dan wondered out loud how the one leaving feels when he sees the returnees.
Note: the comment below came with the email. It isn't MY comment.
HAY, BUHAY AMERICA TALAGA
> A friend named 'Maeng Ni' posted this.
> Lahat ng sinabi niya nakakatuwa at totoo.
>
>
> Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila
madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card
lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo
gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi
ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano .
Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad.
>
> Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag
hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa
ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o
padyak sa America ..
>
> Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka
trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa
kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka
na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay
pangbayad ng bills nila.
>
> Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland,
Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang
totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating
ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong
> pinangbayad sa ticket.
>
> Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang
totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa
America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo
din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas sa Pilipinas $1.00 sa
America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa
> America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa
America $1,000+.
>
> Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse
mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong
huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka
ng bahay at kotse mo.
>
> Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses,
mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa
trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo. Pero ganun
> din sa ibang bansa katulad ng America .
> Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na,
kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa.
>
> Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang pinagsilangan
at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang
pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang
buksan ang bintana ng katotohanan.
>
> comment ko:
> Hindi yung actual living condition sa amerika ang importante sa
Pinoy. Ang pinakamahalaga ay makapunta sa fantasyland sapagkat diyan
namulat ang nga Pilipino simula pa nung kanilang grade school. Gusto
nilang makasakay sa eroplano at mamuhay sa kapaligiran ng snow,
hamon, keso, mansanas, ubas at maipakita sa mga pinoy sa Pilipinas na
naabot na niya ang paraisong nagbibigay ng credit. Hindi masamang
mangarap pero hanggang dito na lang yata ang pangarap ng mga Pilipino.
>
> Kung tutuusin, sino nga ba ang gustong maiwan sa Pilipinas sa mga
kurakot na officials? Hirap ka na sa trabaho, wala ka pang pambili
ng Oakley, pizza at iPod.
3 comments:
With the multitude of OFWs not only in the US but all over the world, I am sure it is now common knowledge among us that life is hard, too, in the U.S. So why do many of us still want to go?
Simple. Among my students, the average number of students is 3. A little more than 50% of them have only one working parent. In the previous school where I taught, the average monthly salary is 10k gross. I shudder to think what the take home pay is.
If you are a CPA here, the new entrant gets about 15k. A former student who worked as an auditor for 3 years (average salary, P25k) went abroad and earned US$5,000 a month. Let's assume that her take home pay is $2,500. She sends home almost $1,000 a month - amortization of her parents' house, education for 4 siblings, medicine for old folks and about 4,000 pesos for her own house and lot. In 3 to 5 years' time, this girl will own a house and lot ... something that was impossible for another former student of mine who worked as a college teacher and who could take home only a little over 8 thousand a month.
Is it therefore surprising that I encourage my students to pass the board exams and work abroad? Of course, I always encourage them to come home if they have saved enough because then it will be time to "pay it forward."
I'm sorry ... that should read "among my students, the average number of SIBLINGS is 3"
The maths/economics involved is indeed compelling proof. What a tragedy, no? This holds true for teachers who migrate too. The unfortunate thing, of course, is that it breaks up families,sometimes for good. It's ok for fresh graduates to go, but moms and dads? that's truly a sad phenomenon, but I guess, justifiable/forgivable considering the poverty the move seeks to address.
Post a Comment